Kwento ng Kaibigan
March 17, 2011Martes ng gabi sa bukana ng isang subdibisyon. Ako’y nakipagkwentuhan sa isang kaibigan. Ang aking hangarin ay makahinga ng matiwasay sa kabila ng lahat ng gumugulo sa aking isipan at sa lahat ng aking napakarami pang kailangang gagawin.
Ang kanyang kwento ay tungkol sa pag-ibig.Isang tamang pag-ibig ngunit mali sa panahon. Nagmahal siya ng lalaking pagmamay-ari na ng iba.
Sa kanyang pagkkwento, biglang sumigid sa aking alaala ang ating nakaraan, ang ating masaya at magandang nasimulan na nagtapos sa masakit na katotohanan..,tapos na nga ba?
Biglang nanariwa sa aking puso’t isipan ang sugat na iyong iniwang duguan. Ang mga katagang pagmamahal ay parang talampakang tumatadyak sa aking dibdib. Isang reyalisasyon ang aking napagtanto…..hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Ang sidhi ng damdamin ni hindi man lang nabawasan. Bakit ganito?
———–to be continued—————
Choice Mo
February 4, 2011
Choice mung lumayo
Choice mung umiwas
Choice mung di ko maintindihan
Choice mung di ko malaman ang dahilan
Anu na bang nangyayari sa atin?
Ito lang ba ang kahihinatnan ng ilang taon nating pagkakaibigan ?
Di ko lubos maisip ang dahilan
Aking katanungan, hahayaan ba nating mawasak ang ating nasimulan?
O ating buuin muli at pagtibayin ng ating karanasan?
Sa ikaapat na palapag ng ating pamantasan
Tayo’y unang nagkita at naging magkakaibigan
Pagkaraan ng ilang araw di na kita nasilayan
Sabi ko sa aking sarili, marahil ika’y di pinalad
Pagiging eskolar di mo napagtagumpayan
Ngunit makalipas ang isang semester
Laking tuwa nang ika’y makitang muli
Natanggap din ang iyong aplikasyon
Pareho na tayong eskolar noon.
Dumaan pa ang mga araw, buwan, at taon
Ating pagkakaibigan lalong tumibay
Sinubok na ng tadhana ngunit ito’y di bumigay
Sa kasiyahan at kalungkutan, tayo’y magkaramay
Ngaung malalaki na tayo’t malawak na ang pang-unawa
bakit nagkaganito? Saan ako nagkulang?
Anung nagawa kong kasalanan?
Hangad ko’y maliwanagan ang ating mga diwa
Choice kong huwag sanang sumapit ang araw
Na mabuwag ang ating pinakainiingatan na pagkakaibigan.
Sa seaside, isang gabi
Ilang buwan na ang nakaraan buhat ng tayo’y huling nagkasama
Sa mall, sa seaside magkatabing nakaupo
Nag-uusap, nagbibiruan, nagpapakiramdaman
Hindi ko lubos maisip ang itinatakbo ng iyong isipan.
Nang mga panahong iyon.
Di ko kailangan ng kaibigan
Di ko kailangan ng makikinig at maintindihan
Di ko kailangan ng pagkain at kabusugan
Ang kailangan ko’y ikaw, iyong prensensya.. ikaw lang
Andaming mga salita ang gustong lumabas sa aking mga labi
Ngunit ang lahat ay di ko kayang sambitin
May kung anung pwersang pumipigil sa akin
Mga baba ko’y di maibuka, di alam kong anung gawin.
Marahil nga aking puso’y di pa handa
Ang aking isipan ay nag-aalinlangan, nangangamba
Natatakot maulit ang nangyari sa ating kahapon
Taglay ang sakit at pait na nadurusa ng aking puso noon.
Ang banayad na galaw ng tubig-dagat gustong umalpas
Ngunit ang mga bato, may mga batong nakahambalang sa gilid
Waring nagsasabi, tama nah, hanggang dito ka nalang
Huwag ka ng umasa, tama na ang pagdurusa
Di ko masukat, di ko masabi
Kung hanggang kailan, hanggang saan
Aasa itong puso kong sugatan
Subalit kahit saanman ako dadalhin nitong aking kahibangan
Mamahalin kita ng tapat sa aking kalooban.
Musikero
January 15, 2011Sa kauna-unahang pagkakataon,ipinagdiriwang ko ang bagong taon na malayo sa aking mga mahal sa buhay. Bago pa ako naglayag patungo sa probinsya, ipinasatadhana ko na ang pagsalubong sa bagong taon.Ngunit mayroon akong isang hiling. Sana sa gabing iyon ay makakatagpo ako ng isang musikero. Humantong ang alas-dose ng hating gabi, ako’y nagising sa busina ng barko na wari’y bumabati ng Manigong Bagong Taon. Bumangon ako at umakyat sa rooftop ng barko sa pagbabakasakaling may katuparan ang aking hiling.Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin at ang lamig nito’y lumukob sa aking katawan. Tila walang tao sa rooftop maliban sa security guard sapagkat umaambon ng mga panahong yaon. Nasaan si musikero?tanong ng diwa ko. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto na nakadungaw sa bintana ng barko, Tanaw ko ang karimlan sa karagatan, tahimik na bagong taon. Malayo sa ingay putukang naririnig ko pagsapit ng hating gabi nang ako’y nasa syudad. Pilit kong inaaninag ang kadiliman sa pag-asang makita ang tubig -karagatan na wari bang nasasalamin doon ang mukha ng aking musikero. Ilang minuto pa lumipas, wala akong nakita. Tinanggap ko na lang sa aking sarili, marahil nga hindi pa yaon ang panahon para makilala ko ang aking musikero.Malungkot na nilisan ang bintana at natulog ng muli.
Salamat
December 1, 2010Salamat sa muling pagkikita
salamat na muli kitang nakasama
salamat sa maikling sandaling napagmasdan kita
salamat sa naidulot na saya
Sa Kabila ng Lahat
November 17, 2010Akala ko wala ka nang pakialam sa akin.
Akala ko wala na akong puwang dyan sa puso mo
Akala ko balewala na ako sayo
Nagkamali pala ako sapagkat ngayong gabi
Napatunayan kong mahalaga pa rin ako sayo.
“Kinabahan nga ako kasi hindi kita nakita,
akala ko kung napano ka na.”
Sambit mo kani-kanina lamang.
Sa kabila ng lahat na pagkapahiyang nararamdaman ko,
Kaligayaha’y sumigid sa nangungulila kong puso.
Mga salitang binitawan mo tunay na kasiyahan hatid nito sa puso ko.
Salamat at di ka pa rin nagbabago.
—bumulusok lang naman puwit ko kanina sa upuang di akalaing sira..
—-so disgusting..!! buti nalang hindi natumba ang upuan..
—-maraming salamat Ms. Gianan
Nasayang na Pagkakaibigan
October 9, 2010Bakit hindi ka namamansin?
Tuluyan na bang pinagbago ng panahon, ating pagkakaibigang walang kasing kulay sa kahapon. bakit tila ikaw ay umiiwas na? Alam kong may hinanakit ka’t may dinaramdam. ngunit kasalanan ko bang tayo’y pinaglayo ng tadhana at naging abala sa buhay ng bawat isa. Ang sabi mo, andyan ka lang, laging aalalay sa aking tabi, ngunit bakit ngayon, biglang nagbago? Masakit isipin pero anong magagawa ko? Siguro nga kakalimutan mu na ako, pero ang hiling ko lang , sana baunin mo alaala ng ating kahapon. ano’t anu man ang mangyayari, isa lang ang tiyak. ako’y mananatiling iyong kaibigan habang buhay.
Buhay Estudyante
Sa wakas, dumating din ang pinakaminimithi kong araw sa semestre na ito, ang pagtatapos ng final exam. Akala ko, magiging masaya na ako dahil wala na akong iisipin, kakabisaduhin at pinangambahang pagsusulit. Hindi pala..Ginawa ko na lahat. Dalawa hanggang tatlong oras na tulog. hindi na makakain dahil kailangang mgreview. tapos na ang lahat ng iyon ngunit hindi ko pa rin nakamit ang kapayapaan. Paano ako mapapayapa kong alam kong nanganganib na na naman ang major subjects ko? Andami kong nireview ngunit bakit ni isa walang tumugma sa mga pinag-aralan ko? Saan niya kinuha ang mga katanungang iyon? awts..awts…awts…Ako’y nananalig na sa kabila ng lahat ng ito, makakakuha pa rin ako ng pasadong grado.. Maari ngang nagkamali ako ng piniling kurso pero ayaw kong mapawalang bahala lahat ng natutunan ko sa larangang ito.
Mga Katanungan
Maraming ngtatanong..,
bakit ka malungkot? Anung problema?
hindi ka ba marunong ngumiti? Hindi ka ba marunong tumawa?
marahil hindi ninyo naiintindihan..
hindi ako malungkot ngunit hindi rin ako masaya.
Maraming bagay ang nagpapaalala sa akin upang hindi malngkot,
ngunit ang mga iyon ay hindi sapat upang ako’y maging masaya.
Minsan sa buhay ng tao, may mga bagay na mahirap maipaliwanag.
Bagkos, maiintindihan mo lang ito at maliwanagan kapag iyo ng nraramdaman..


